Ngozi Okonjo-Iweala, nahalal bilang bagong Direktor-Heneral ng WTO

2021-02-16 13:08:09  CMG
Share with:

Ngozi Okonjo-Iweala, nahalal bilang bagong Direktor-Heneral ng WTO_fororder_20210216WTO550

Sa espesyal na pulong ng Pangkalahatang Konseho ng World Trade Organization (WTO) na idinaos nitong Lunes hapon, Pebrero 15 (Geneva time), 2021, hinirang si Ngozi Okonjo-Iweala, ekonomista ng Nigeria, bilang bagong Direktor-Heneral ng WTO.

 

Sa proklamasyong inilabas nang araw ring iyon ng WTO, sinabi nito na si Ngozi Okonjo-Iweala ay magiging unang babaeng Direktor-Heneral ng WTO at unang Aprikanong Direktor-Heneral ng organisasyong ito.

 

Ipinahayag ng bagong direktor-heneral, na ang kanyang pinakamahalagang misyon ay pagpapalakas ng kooperayson ng mga kasapi ng WTO para mabilis na malutas ang mga negatibong epektong dulot ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa iba’t-ibang bansa ng daigdig.

 

Ang kanyang termino ay tatagal mula unang araw ng Marso ng kasalukuyang taon hanggang Agosto 31, 2025.

 

Dalawampu’t limang (25) taong nagtrabaho si Ngozi Okonjo-Iweala sa World Bank (WB) bilang pangalawang presidente sa edad na66 anyos.

 

Bukod dito, nanungkulan din siya bilang Ministrong Pinansiyal at Ministrong Panlabas ng Nigeria.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method