Blaise Diagne International Airport, Dakar—Sinalubong Miyerkules ng gabi, Pebrero 17, 2021 ni Pangulong Macky Sall ng Senegal ang unang pangkat ng 200,000 dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na binili ng bansa mula sa China National Pharmaceutical Group o Sinopharm ng Tsina.
Ang Senegal ay ang unang bansa sa Kanlurang Aprika na nakakuha ng unang pangkat ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, inihayag ni Pangulong Sall ang personal na pasasalamat at pasasalamat ng kanyang pamahalaan sa ibinigay na suporta ng panig Tsino sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.
Aniya, ang pagdating ng nasabing mga bakuna ay palatandaang pumasok na sa bagong yugto ang gawain ng kanyang bansa sa pagpuksa sa pandemiya.
Sa lalong madaling panahon, sisimulan ng Senegal ang pagbabakuna sa mga grupong may priyoridad na gaya ng mga doktor at nars.
Salin: Vera
Global Vaccination Plan, iminungkahing itatag ng pangkalahatang kalihim ng UN
Ekspertong Pranses, mas nananalig sa inactivated vaccine kontra COVID-19 na gawa ng Tsina
Ikalawang batch ng bakuna kontra COVID-19 na ipinagkaloob ng Tsina, dumating ng Morocco
Unang batch ng bakunang ibinigay ng Tsina, dumating ng Zimbabwe