Tsina, ibibigay ang bakuna kontra COVID-19 sa Republika ng Montenegro

2021-02-19 15:53:03  CMG
Share with:

Ayon sa Embahada ng Tsina sa Republika ng Montenegro nitong Huwebes, Pebrero 18, 2021, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang kahilingan ng Montenegro na makakuha ng bakuna ng Tsina laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ipinasiya ng Tsina na ibigay bilang donasyon sa mga mamamayang Montenego ang bakuna kontra COVID-19 sa lalong madaling panahon.
 

Bukod dito, kakatigan ng panig Tsino ang negosasyon ng kompanyang Tsino at kaukulang departamento ng Montenegro hinggil sa mga suliranin ng pagbili ng bakuna sa susunod na hakbang.
 

Inihayag ng nasabing embahada na sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, magkakapit-bisig na nagtutulungan ang Tsina at Montenegro, at ibayo pang lumalalim ang kanilang tradisyonal na pagkakaibigan.
 

Nakahanda ang Tsina na palakasin ang kooperasyon sa Montenegro, para itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan, dagdag nito.
 

Ayon sa datos na inilabas nitong Huwebes ng departamento ng kalusugan ng Montenegro, nitong nakalipas na 24 na oras, 484 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at 70,658 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso.
 

Kabilang dito, 926 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
 

Salin: Vera

Please select the login method