Tsina, umaasang maayos na hahawakan ng panig Amerikano ang alitan sa kabuhayan at kalakalan

2021-02-20 14:27:46  CMG
Share with:

Kaugnay ng pananalita ni Kalihim Janet Yellen ng Tesorarya ng Amerika hinggil sa pagpapanatili ng karagdagang taripa na ipinataw ng pamahalaan ni Donald Trump, inihayag nitong Biyernes, Pebrero 19, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang iwawasto ng panig Amerikano ang maling aksyon, maayos na hahawakan ang alitan sa kabuhayan at kalakalan, at pasusulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa.
 

Diin ni Hua, ang mutuwal na kapakinabangan at win-win results ay esensya ng relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at walang mananalo sa trade war.
 

Salin: Vera

Please select the login method