Sa virtual press briefing na idinaos ngayong araw, Pebrero 22, 2021 ni Direktor Heneral Eric Domingo ng Philippine Food and Drug Administration (FDA), makaraang masuri ang mga datos mula sa huling yugto ng pagsubok, at muling matiyak ang pagiging ligtas at epektibo ng bakuna, binigyan ng emergency use authorization (EUA) ng FDA ang bakunang gawa ng Sinovac Life Science Company o Sinovac ng Tsina kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang desisyon ay ginawa, "matapos ang isang masusi at mahigpit na pagsusuri ng aming tagapangasiwa at mga ekspertong medikal sa mga umiiral na naisapubliko at di-isinapublikong data," dagdag ni Domingo.
Ayon naman sa Embahada ng Tsina sa Pilipinas, aktibong ginagawa ngayon ng panig Tsino ang mga paghahanda, para ihatid sa Pilipinas sa lalong madaling panahon ang mga bakuna na ini-abuloy ng pamahalaang Tsino sa panig Pilipino.
Editor: Liu Kai