Tsina, makakapagbigay ng mas malaking ambag sa mapayapang paggamit ng sangkatauhan ng kalawakan — Xi Jinping

2021-02-23 11:12:25  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Lunes ng umaga, Pebrero 22, 2021 sa mga kinatawan ng siyentista at inhenyero na kalahok sa Chang’e-5 lunar mission, lubos na pinapurihan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang natamong tagumpay ng lunar mission, partikular na ng Chang’e-5 mission.

Tsina, makakapagbigay ng mas malaking ambag sa mapayapang paggamit ng sangkatauhan ng kalawakan — Xi Jinping_fororder_20210223lunarXi2550

Ipinagdiinan ni Xi na dapat i-promote ang diwa ng paggagalugad ng lunar, patingkarin ang bentahe ng sistema, matapang na umakyat sa tuktok na pansiyensiya’t panteknolohiya, at paglingkuran ang pangkalahatang kalagayan ng bansa para walang humpay na mapasulong ang mapanlikhang pag-unlad ng usapin ng paggagalugad ng kalawakan ng Tsina at makapagbigay ng mas malaking ambag sa mapayapang paggamit ng sangkatauhan ng kalawakan.

Tsina, makakapagbigay ng mas malaking ambag sa mapayapang paggamit ng sangkatauhan ng kalawakan — Xi Jinping_fororder_20210223lunarXi1550

Bumisita rin si Xi sa eksibisyon ng mga lunar sample at natamong bunga ng lunar exploration ng bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method