Pormal na sinimulan kahapon, Pebrero 24 ang 2021 Science and Technology Cooperation Project ng Tsina at Pilipinas.
Pagkaraan ng diskusyon, ipinasiyang isagawa ng mga ministri at kagawaran ng agham at teknolohiya ng dalawang bansa ang 8 kooperatibong proyekto na kinabibilangan ng agrikultura, pagkontrol ng epidemiya, green energy, virology at iba pa.
Sa kanyang paglahok sa virtual inaugural ceremony, ipinahayag ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas na sa proseso ng paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang biomedicine, artificial intelligence, big data at iba pang bagong teknolohiya ay malalakas na batayan para sa pagdedeblop ng vaccine at pagpapanumbalik ng ekonomiya.
Umaasa aniya siyang ibayo pang palalalimin ng Tsina at Pilipinas ang kooperasyon sa agham at teknolohiya para mapagtagumpayan ang epidemiya sa lalong madaling panahon.
Ulat: Sissi
Pulido: Rhio/Jade
Web-edit: Jade
Larawan: Pasuguan ng Tsina