Manila Forum for Philippines-China Relations, idaraos

2021-02-25 19:36:27  CMG
Share with:

Sa pagtataguyod ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at Association for Philippines-China Understanding ng Pilipinas, nakatakdang idaos, Marso 3, 2021 ang unang Manila Forum for Philippines-China Relations (MFPCR).

 

Sa ilalim ng temang "Magtutulungan para Pasulungin ang Pagbangon ng Kabuhayan -- Papel ng Tsina para sa Pagbangon ng Kabuhayang Panrehiyon pagkatapos ng Pandemiya ng COVID-19," layon ng porum na ibayo pang palalimin ang pagkaka-unawaan at pagtitiwalaan, at bawasan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Bibigkas ng keynote speech sa seremonya ng pagbubukas si Jin Liqun, Presidente ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), samantalang dadalo naman sina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas; Ramon Lopez, Kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI); mga namamahalang tauhan ng Asian Development Bank (ADB); Sekretaryat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN); at iba pang may kinalamang opisiyal at dalubhasa ng dalawang bansa.

 

Matatandaang magkasamang dumalo, Enero 16, 2021 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Gloria Macapagal-Arroyo, dating Pangulo ng Pilipinas, sa seremonya ng inagurasyon ng MFPCR.

 

Reporter: Enerst Wang

Please select the login method