Sa sideline meeting tungkol sa papel ng pagbabawas ng karalitaan para sa pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao, na idinaos kahapon, Biyernes, ika-26 ng Pebrero 2021, ng Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations, ipinahayag ni Su Guoxia, opisyal mula sa National Administration of Rural Revitalization ng Tsina, na laging itinuturing ng kanyang bansa ang pagbabawas ng karalitaan bilang isang paraan ng paggarantiya sa karapatang pantao.
Sinabi ni Su, na sa kampanya ng pagpawi ng karalitaan na isinagawa mula noong 2012, iginigiit ng pamahalaang Tsino ang ideyang "Mamamayan muna," iginagarantiya ang karapatan sa pamumuhay, pinapalakas ang karapatan sa kaunlaran, at binibigyang-priyoridad ang pagpapaahon mula sa karalitaan ng mga babae, bata, matatanda, may-kapansanan, at mga etnikong minorya.
Ani Su, sa kasalukuyan, natamo ng Tsina ang tagumpay sa kampanya ng pagpawi ng karalitaan, at ito ay malaking ambag sa pandaigdigang usapin ng pagbabawas ng karalitaan at pangangalaga sa karapatang pantao.
Editor: Liu Kai