600,000 dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na kaloob ng Tsina sa Pilipinas ang inilabas mula sa eroplano.
Lulan ang mga bakuna ng isang eroplano ng People's Liberation Army (PLA) Air Force ng Tsina.
Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama ng mga opisyal ng Gabinete ang dumating na sa Villamor Airbase, Pasay City para sa seremonya ng paghahandog ng (600,000) dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na kaloob ng Tsina sa Pilipinas.
Ang naturang mga bakuna ay dumating ngayong araw, 4:10 PM, Pebrero 28, 2021, sa Villamor Airbase, Pasay City.
Ito ang katuparan ng pangako ng Tsina sa panahon ng opisyal na pagdalaw ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, noong nagdaang Enero 2021.