PRRD, dumating na sa Villamor Airbase para sa seremonya ng paghahandog ng bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina

2021-02-28 17:06:21  CMG
Share with:

Pangako ng Tsina sa Pilipinas, natupad; 600,000 dosis ng bakuna kontra COVID-19, dumating sa Manila

 

 
Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay dumating na sa Villamor Airbase, Pasay City para sa seremonya ng paghahandog ng (600,000) dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na kaloob ng Tsina sa Pilipinas.
 
 
Kasama ni Pangulong Duterte ang ilang miyembro ng gabinete, at Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas at ibang mga opisyal ng embahada.
 

Pangako ng Tsina sa Pilipinas, natupad; 600,000 dosis ng bakuna kontra COVID-19, dumating sa Manila

 
Ang naturang mga bakuna ay dumating ngayong araw, 4:10PM, Pebrero 28, 2021, sa Villamor Airbase, Pasay City.
 
 
Lulan ang mga bakuna ng isang eroplano ng People's Liberation Army (PLA) Air Force ng Tsina.
 
 
Ito ang katuparan ng pangako ng Tsina sa panahon ng opisyal na pagdalaw ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, noong nagdaang Enero 2021.
 

 

Edit: Jade

Larawan: PCOO

 
 
Please select the login method