Kasunduan sa Heograpikal na Indikasyon ng Tsina at EU, nagkabisa

2021-03-01 15:11:19  CMG
Share with:

Pormal na nagkabisa ngayong araw, Lunes, Marso 1, 2021, ang Kasunduan sa Heograpikal na Indikasyon ng Tsina at Unyong Europeo (EU).

 

Ayon sa kasunduan, 275 na paninda ang ipinagkalooban ng pangangalaga ng Tsina at mga bansang EU na may heograpikal na indikasyon mula sa isa't isa.

 

Ipinalalagay ng mga eksperto, na makakatulong ito sa paglaki ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at EU, at lilikha ng mas maraming pagkakataon ng pamumuhunan para sa mga bahay-kalakal ng kapwa panig.

 

Mas mabuti ring matutugunan ang pangangailangan ng mga mamimili ng Tsina at EU sa mga de-kalidad na panindang aangkatin mula sa isa't isa, dagdag ng mga eksperto.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method