32 bansa, nanawagang palakasin ang pandaigdigang kooperasyon at multilateralismo

2021-03-01 09:06:43  CMG
Share with:

Vaccination rollout ng Pilipinas, inilunsad: PGH Director, unang binakunahan

 

Tatlumpu't dalawa (32) bansa ang nanawagan sa komunidad ng daigdig na pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon at multilateralismo, sa idinaraos na Ika-46 na Sesyon ng Human Rights Council ng United Nations.

 

Ang naturang panawagan ay ipinahayag ni Chen Xu, Puno ng Misyong Tsino sa United Nations (UN), Geneva sa ngalan ng naturang 32 bansang kinabibilangan ng Indonesia, Rusya, Cuba Pakistan, at iba pa.

 

Hinimok din ng mga bansa ang Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR) na magbukas ng konstruktibong diyalogo at pag-uugnayan para obdyektibo at walang-kinikilingang gampanan ang papel nito.

 

Anila, dahil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sumailalim sa banta ang karapatan ng mga tao sa buhay at kalusugan; at kasabay nito, apektado rin ang kabuhayan at lipunan ng lahat ng mga bansa.

 

Ikinababahala rin ng nasabing 32 bansa ang pagtindi ng rasismo, diskriminasyong panlahi at xenophobia sa ilang bansa.

 

Ayon pa sa panawagan, ipinakikita ng kasalukuyang krisis ang matagal nang kakapusan  sa puhunan sa karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura, at pati na rin ang kakulangan sa karapatan sa kaunlaran ng mga multilateral na institusyon ng karapatang pantao.

 

Ipinahihiwatig nito ang di-pagkakapantay-pantay sa loob ng bansa at sa pagitan ng mga bansa, dagdag pa ng panawagan.

 

Hinimok ng naturang mga bansa ang komunidad ng daigdig at OHCHR na lutasin ang nabanggit na mga isyu.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method