Tsina, aktibong pauunlarin ang global partnership sa 2021

2021-03-05 12:08:33  CMG
Share with:

Tsina, aktibong pauunlarin ang global partnership sa 2021_fororder_partnership

Binuksan Biyernes, Marso 5, 2021 ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng Tsina.
 

Sa government work report na inilahad ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa nasabing sesyon nang araw ring iyon, tinukoy nitong sa taong 2021, patuloy na igigiit ng Tsina ang nagsasarili’t mapayapang patakarang diplomatiko, aktibong pauunlarin ang global partnership, at pasusulungin ang pagbuo ng bagong modelo ng pandaigdigang relasyon at komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Anang ulat, patuloy na igigiit ng bansa ang pagbubukas at pagtutulungan, pasusulungin ang pag-unlad ng global governance system tungo sa mas makatarungan at makatwirang direksyon, tuluy-tuloy na palalalimin ang kooperasyong panrehiyon at pandaigdig, at aktibong makikilahok sa pandaigdigang kooperasyon sa pagpigil at pagkontrol sa malubhang nakahahawang sakit.
 

Ayon sa nasabing ulat, nakahanda ang Tsina na mapayapang makipamuhayan sa lahat ng mga bansa, batay sa paggagalangan, pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan, hanapin ang komong kaunlaran, magkakapit-bisig na harapin ang mga hamong pandaigdig, at walang humpay na magpunyagi para sa pagpapasulong sa kapayapaan at kasaganaan ng mundo.
 

Salin: Vera

Please select the login method