Sa ika-4 na sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, isinumite para sa pagsusuri ngayong Biyernes, Marso 5, 2021 ang panukalang kapasiyahan ng NPC hinggil sa pagpapabuti ng sistemang elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Ipinaliwanag ni Wang Chen, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, na may butas ang umiiral na sistema ng halalan ng HKSAR, at dapat isagawa ang kinakailangang hakbangin para mas pagbutihin ito.
Ang sistema ng halalan ng HKSAR na kinabibilangan ng paraan ng paghalal ng punong ehekutibo at paraan ng pagbuo ng lupong lehislatibo ay dapat totoong magpatupad at magpakita ng simulaing pulitikal ng pangangasiwa sa Hong Kong ng mga bayani o opisyal na may tunay na pagmamahal sa Inangbayan, at dapat ding ipagkaloob ang katugong garantiyang pansistema, dagdag niya.
Ayon kay Wang, sususugan lamang ang mga appendix ng saligang batas ng Hong Kong hinggil sa paraan ng paghalal ng punong ehekutibo, at paraan at proseso ng pagboto sa pagbuo ng lupong lehistratibo ng Hong Kong, at walang pagsusog sa mahalagang nilalaman ng saligang batas.
Salin: Vera
Pulido: Mac Ramos