Han Zheng: Determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagpapatupad ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” napakatatag

2021-03-07 10:36:30  CMG
Share with:

Ipinagdiinan nitong Sabado, Marso 6, 2021 ni Pangalawang Premyer Han Zheng ng Tsina na palagiang igigiit ng bansa ang prinsipyong “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”
 

Winika ito ni Han nang dumalo siya sa panel discussion, kasama ng mga kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC) mula sa Hong Kong at Macao.

Han Zheng: Determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagpapatupad ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” napakatatag_fororder_20210307HanZheng1

Saad ni Han, walang anumang pagbabago sa patakaran ng Tsina sa “pamamahala sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong” at “pamamahala sa Macao ng mga taga-Macao.”
 

Dagdag niya, ang sistemang elektoral ng Hong Kong ay dapat umangkop sa aktuwal na kalagayan ng Hong Kong, at magpakita ng pangkalahatang kapakanan ng lipunan.
 

Dapat pangasiwaan ang Hong Kong, sa pamamagitan ng awtonomiya sa mataas na antas at tumpak na paraan, ani Han.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method