Hinimok nitong Sabado, Marso 6, 2021 ni Pangalawang Premyer Han Zheng ng Tsina na ang simulaing “pangangasiwa sa Hong Kong ng mga patriots o makabayan” ay dapat suportahan, sa ilalim ng pangangasiwa alinsunod sa batas.
Winika ito ni Han nang dumalo siya sa panel discussion, kasama ng mga kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC) mula sa Hong Kong at Macao.
Saad ni Han, walang anumang bansa sa daigdig ang nagpapahintulot ng pagsabotahe ng mga separatista. Dapat aniya isagawa ang mabisa at kinakailangang hakbangin batay sa batas, para maipatupad ang reporma sa sistemang elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), igarantiya ang pangangasiwa sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong, pangunahing na, mga bayani o mamamayang makabayan, at igarantiya ang praktika ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema” sa tumpak na landas.
Salin: Vera
Pulido: Mac