Sa eksklusibong panayam ng China Media Group (CMG) nitong Lunes, Marso 8, 2021, sinabi ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na ikinasisiya niya ang pagpapabuti ng pamahalaang sentral sa sistemang elektoral ng HKSAR, at pagpapatupad ng simulaing “pangangasiwa sa Hong Kong ng mga makabayan.”
Ani Lam, ang pagpapalabas ng Batas sa Pambansang Seguridad ng Hong Kong noong isang taon ay nakalikha ng bagong kayarian ng Hong Kong. Bukod sa seguridad na panlipunan, kailangang-kailangan din ang seguridad na pampulitika sa Hong Kong. Ang pagbabagong ipatutupad sa sistemang elektoral ay nagkakaloob ng garantiya sa seguridad na pampulitika ng Hong Kong.
Saad ni Lam, patuloy na pananatilihin ng Hong Kong ang kasaganaan at katatagan, at sa hinaharap, patuloy na aktibong sasali ang Hong Kong sa Ika-14 na Panlimahang Taong Plano sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Desisyon ukol sa pagpapabuti ng sistemang elektoral ng HKSAR, gagawin ng NPC
Tsina, may kompiyansang magiging mas maganda ang kinabukasan ng Hong Kong—Wang Yi
CMG Komentaryo: Pagpapabuti ng sistemang elektoral ng HKSAR, kailangang-kailangan at di-maiiwasan
Gawain ni Carrie Lam sa COVID-19 at pambansang seguridad sa Hong Kong, pinapurihan ni Xi Jinping