Tsina sa mga may kinalamang bansa: makipagkoordina sa WHO para sa paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus

2021-03-10 11:21:17  CMG
Share with:

Tsina sa mga may kinalamang bansa: makipagkoordina sa WHO para sa paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus_fororder_微信图片_20210310111210

 

Sa regular na preskon ng Ministring Panlabas ng Tsina Martes, ika-9 ng Marso 2021, tinanong ng isang dayuhang mamamahayag ang tungkol sa kahilingan ng mga opsiyal Tsino para imbestigahan ang isang laboratoryo sa Fort Detrick, isang base-militar sa bayan ng Frederick, estadong Maryland, Amerika.

 

Hiniling din ng mamamahayag ang komento ng tagapagsalita, kung ang pananaliksik sa mga mapanganib na pathogen sa ganitong mga laboratoryo ay magdudulot ng potensyal na banta sa kalusugan ng publiko at dapat bang ilagay sa panlabas na pagmomonitor ang ganitong mga laboratoryo sa buong mundo.

 

Bilang tugon, sinabi ni Zhao Lijian, tagapagsalita ng naturang ministri, na umaasa ang panig Tsino, na makikipagkoordina ang mga may kinalamang bansa sa World Health Organization (WHO) para sa paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus.

 

Dagdag niya, itinayo ng Tsina ang magandang halimbawa sa aspektong ito, na karapat-dapat tularan ng iba.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method