1.9 trilyong dolyares na relief bill, pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika

2021-03-11 12:07:16  CMG
Share with:

Pinagtibay nitong Miyerkules, Marso 10, 2021 ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang relief bill na nagkakahalaga ng 1.9 trilyong dolyares, at isusumite ito kay Pangulong Joe Biden para sa pagsasabatas.
 

Kabilang sa mga pangunahing nilalaman ng nasabing relief bill ay pagkakaloob ng 300 dolyares na karagdagang lingguhang federal unemployment benefit; pagpapalawak ng saklaw ng pagbibigay ng unemployment benefit hanggang sa Setyembre 6; paglaan ng halos 350 bilyong dolyares na pondo sa mga pamahalaang pang-estado at lokal; pagkakaloob ng halos 170 bilyong dolyares na pondo para sa muling pagbubukas ng mga paaralan at iba pa.
 

Ayon sa White House, isasabatas ni Pangulong Biden ang nasabing relief bill sa Marso 12.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method