Sa news briefing pagkaraang ipinid, Huwebes, Marso 11, 2021 ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), punong lehislatura ng bansa, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang target ng mahigit 6% paglago ng kabuhayan na iniharap ng pamahalaang Tsino sa kasalukuyang taon ay pagpapanatili ng sustenabilidad, sa halip na pagtatakda ng bagong plano. Aniya, layon nitong patnubayan ang ekspektasyon sa pagpapatibay ng pundasyon ng paglago ng kabuhayan, at pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad.
Tinukoy ni Li na bilang isang umuunlad na bansa, mahabang mahaba pa ang landas na tatahakin ng Tsina tungo sa pagsasakatuparan ng modernisasyon.
Saad ni Li, magpopokus ang bansa sa pagpapabuti sa sarili sa gitna ng mga suliranin.
Ang pag-unlad ng Tsina ay magiging mahalagang ambag para sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng mundo, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio