Bago ipinid Huwebes, Marso 11, 2021 ang Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), ipinasa ang Ika-14 na Panlimahang Taong Plano sa Pagpapaunlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan at “2035 Vision” na midterm economic strategy ng Tsina.
Ipapatupad ng nasabing mga plano ang bagong ideyang pangkaunlaran, at lilinawin ang pagbuo ng bagong kayariang pangkaunlaran, bagay na nagpapakita ng determinasyon at sigasig ng bansa sa pagsasakatuparan ng de-kalidad na pag-unlad.
Nakalahad sa naturang mga plano ang ekspektasyon ng Tsina sa taong 2035, na kinabibilangan ng mga sumusunod: pangkalahatang pagsasakatuparan ng sosyalistang modernisasyon; pagpapataas ng puwersang pangkabuhayan, pagpapa-unlad ng siyensiya’t teknolohiya, at pagpapalakas ng pangkalahatang puwersa ng estado; pagpapabuti ng kapaligirang ekolohikal; pangkalahatang pagsasakatuparan ng target na pagtatatag ng kaakit-akit na Tsina; pagbuo ng bagong kayarian ng pagbubukas sa labas, at maliwanag na pagpapalakas ng mga bagong bentahe sa pagsali sa pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan at kompetisyon; pagpapa-abot ng Real GDP per capita sa lebel ng mga katamtamang maunlad na bansa at pagtatamo ng kapansin-pansing substansyal na progreso ng komong kasaganaan ng lahat ng mga mamamayan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio