Ipininid Huwebes ng hapon, Marso 11, 2021 sa Beijing ang Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Bago magpinid, pinagtibay ng NPC ang kapasiyahan hinggil sa pagpapabuti ng sistemang elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Komprehensibong ipatutupad ng kapasyahang ito ang simulaing “pamamahala sa Hong Kong ng mga makabayan,” para maigarantiya ang pangmatagalang seguridad, kapayapaan, kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.
Inawtorisahan ng nasabing kapasiyahan ang Pirmihang Lupon ng NPC na susugan ang mga appendix ng saligang batas ng Hong Kong hinggil sa paraan ng paghalal ng punong ehekutibo, at paraan at proseso ng pagboto sa pagbuo ng lupong lehislatibo ng Hong Kong.
Pagkaraang ng pagsusog sa antas ng estado, gagawin ng pamahalaan ng HKSAR ang katugong pagsusog sa kaukulang batas na lokal.
Salin: Vera
Pulido: Rhio