Desisyon sa Sistemang Elektoral ng HKSAR, nananangan at nagpapabuti sa patakarang Isang Bansa, Dalawang Sistema

2021-03-11 19:30:24  CMG
Share with:

Desisyon sa Sistemang Elektoral ng HKSAR, nananangan at nagpapabuti sa patakarang Isang Bansa, Dalawang Sistema_fororder_HK500

 

Layon ng Desisyon hinggil sa Pagpapabuti ng Sistemang Elektoral ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) ng Tsina na ipagpatuloy at pabutihin ang sistemang Isang Bansa, Dalawang Sistema, at tiyakin ang pangmatagalang katatagan at kapayapaan ng Hong Kong.

 

Nagsisilbi rin itong garantiyang pansistema ng pagpapatupad sa prinsipyong “pamamahala ng Hong Kong ng mga makabayan, ” na itinatampok sa nabanggit na desisyon.

 

Ito ang winika ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina makaraang pagtibayin ang naturang Desisyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), punong lehislatura ng bansa, nitong Marso 11, 2021.

 

Ani Zhao, sapul nang bumalik sa inang-bayan ang Hong Kong noong 1997, namumuno at nagpapasulong ang pamahalaang sentral ng Tsina ng pag-unlad ng sistemang demokratiko ng Hong Kong. Ang pagbalangkas at pagpasa ng NPC ng nasabing Desisyon ay kapangyarihan at responsibilidad bilang punong lehislatura, na iniaatang ng Konstitusyon ng bansa at Saligang Batas ng Hong Kong.

 

Aniya pa, ang Desisyon ay mas mainam na makakagarantiya sa mga panlahat at pundamental na interes ng lipunan ng Hong Kong. Magpapasulong din ito sa walang-humpay na progreso ng sistemang demokratiko ng Hong Kong at matatag na pagpapairal sa Isang Bansa, Dalawang Sistema.

 

Diin ng tagapagsalitang Tsino, ang patuloy na pagpapatupad sa Isang Bansa, Dalawang Sistema at pagpapanatili ng Hong Kong ng pangmatagalang katatagan at kasaganaan ay angkop sa interes ng Tsina at angkop din ito sa komong kapakanan ng komunidad ng daigdig.

 

Di-matitinag ang paninindigan at kompiyansa ng Tsina sa pagpapatupad ng Isang Bansa, Dalawang Sistema. Hindi rin magbabago ang determinasyon at kalooban ng bansa sa pakikibaka laban sa panghihimasok ng puwersang dayuhan sa mga suliraning panloob ng Tsina, dagdag pa ni Zhao.

 

Bilang panapos, naniniwala ani Zhao ang Tsina na magiging mas maaliwalas ang kinabukasan ng Hong Kong.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method