Sa ulat na ginawa ngayong hapon, Lunes, Marso 8, 2021, tungkol sa mga gawain ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi ni Li Zhanshu, Tagapangulo ng naturang lupon, na gagawin ng NPC ang desisyon tungkol sa pagpapabuti ng sistemang panghalalan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Ito aniya ay bahagi ng serye ng mga hakbanging pambatas, para igarantiya ang kaayusang konstitusyonal at prinsipyo ng pangangasiwa alinsunod sa batas sa Hong Kong.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan