Pamamahala sa HKSAR ng mga makabayan, para sa matatag at pangmatagalang pagpapairal ng Isang Bansa Dalawang Sistema

2021-03-11 18:43:05  CMG
Share with:

 

Pamamahala sa HKSAR ng mga makabayan, para sa matatag at pangmatagalang pagpapairal ng Isang Bansa Dalawang Sistema_fororder_VCG21e2e7ac9fa

 

Sa preskon ngayong hapon, makaraang ipinid ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng bansa, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na layon ng patakarang“ang mga makabayan ang namamahala sa Hong Kong” ay tiyakin ang matatag at pangmatagalang pagpapatupad ng“Isang Bansa Dalawang Sistema”para sa Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) ng Tsina.

 

 

Pinagtibay ng mga mambabatas na Tsino sa kapipinid na sesyon ng NPC ang Desisyon hinggil sa Pagpapabuti ng Sistemang Elektoral ng HKSAR, kung saan itinatampok ang pamamahala ng mga makabayan sa rehiyon.

 

Saad ni Li, patuloy na pinaiiral ng Tsina ang Saligang Batas ng bansa, Saligang Batas ng HKSAR, mga umiiral na pakatarang kinabibilangan ng Isang Bansa Dalawang Sistema, Ang mga Taga-Hong Kong ang Namamahala sa Hong Kong, at Autonomiya sa Mataas na Antas, at Batas sa Pagtatanggol ng Pambansang Seguridad, para puspusang katigan ang pamahalaan ng HKSAR at punong ehekutibo nito sa pangangasiwa.

 

Ipinangako rin ni Li na patuloy na susuportahan ng pamahalaang sentral ang pamahalaang lokal ng Hong Kong para malampasan ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), isulong ang pagbalik sa normal ng kabuhayan, at mapabuti ang pamumuhay ng mamamayang taga-Hong Kong.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method