[Op-Ed] Araw ng Pagtatanim ng mga Puno sa Tsina: Mga suliranin ng ekolohiya at kapaligiran na pinahahalagahan ni Xi Jinping

2021-03-12 17:06:04  CMG
Share with:

[Op-Ed] Araw ng Pagtatanim ng mga Puno sa Tsina: Mga suliranin ng ekolohiya at kapaligiran na pinahahalagahan ni Xi Jinping_fororder_20210312-164614

 

Ngayong araw, Marso 12, 2021, ay Arbor Day o Araw ng Pagtatanim ng mga Puno sa Tsina.

 

Ang araw na ito ay unang itinakda noong 1929, at pinili rin noong 1979 ng kataas-taasang lehislatura ng Republika ng Bayan ng Tsina bilang espesyal na araw para sa Nationwide Voluntary Tree-planting Campaign.

 

Ang pagtatakda ng Tsina ng Araw ng Pagtatanim ng mga Puno ay hindi lamang para pasiglahin ang boluntaryong paglahok ng mga mamamayan sa mga usapin ng kalinangang pampubliko, kundi nagpapakita rin ng pagpapahalaga sa ekolohiya at kapaligiran.

 

Ang pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran ay suliranin ding lubos na binibigyang-pokus ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Dalawang beses niyang binanggit ang tungkol dito, sa kanyang paglahok sa mga talakayan ng mga delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia at lalawigang Qinghai sa kapipinid na sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.

 

Sa talakayan ng delegasyon ng Inner Mongolia, hiniling ni Xi, na buong sikap na pangalagaan ang ekolohiya at kapaligiran, palakasin ang green ecological barrier sa kahilagaan ng bansa, at igiit ang berdeng pag-unlad na nagbibigay-priyoridad sa ekolohiya.

 

Sa talakayan naman ng delegasyon ng Qinghai, sinabi rin ni Xi, na dapat buong lakas na isabalikat ng lalawigang ito ang responsibilidad ng pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran, itayo ang halimbawa ng paggamit ng mga malinis na enerhiya, at buuin ang berde, low-carbon, at sirkular na sistemang ekonomiko.

 

Ang Inner Mongolia ay matatagpuan sa hilagang hanggahan ng Tsina, at may mga disyerto sa dakong hilaga at kanluran nito. Nitong maraming taong nakalipas, tinatamnan ang malaking kagubatan sa Inner Mongolia, para hindi lumawak ang desertipikasyon sa interyor ng Tsina.

 

Samantala, ang kabundukan sa timog na bahagi ng Qinghai ay pinanggagalingan ng tatlong mahalagang ilog ng Tsina, na Yellow River, Yangtze River, at Lancang-Mekong River. Ang lalawigang ito ay tinatawag ding "water tower" ng Tsina.

 

Mahalagang mahalaga ang Inner Mongolia at Qinghai para sa kaligtasang ekolohikal at sustenableng pag-unlad ng Tsina, at ito ay dahilan kung bakit lubos na pinahahalagahan ni Pangulong Xi ang pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran sa dalawang lugar na ito.

 

Ang pagpapahalaga ng mga Tsino sa ekolohiya at kapaligiran ay ipinakikita rin ng mga sumusunod na estadistika.

 

Mula noong 1981, umabot sa mahigit 16.4 bilyong person-time ang lumahok sa Nationwide Voluntary Tree-planting Campaign, at naitanim ang 74.2 bilyong puno. Mula noong 1973 hanggang 2018, nadagdagan ng halos 100 milyong metro kuwadrado ang saklaw ng kagubatan sa Tsina. Mula noong 1973 hanggang 2020 naman, ang forest coverage rate ng Tsina ay lumaki mula 12.7% hanggang 23.04%.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method