Kinumpirma kahapon, Biyernes, ika-12 ng Marso 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagdaraos ng estratehikong diyalogo sa mataas na antas ng Tsina at Amerika sa susunod na linggo.
Pero kaugnay ng sinabi ng White House na babanggitin ng panig Amerikano ang tungkol sa Hong Kong at Xinjiang sa naturang diyalogo, tinukoy ni Zhao, na hindi pa napagpasyahan ng dalawang panig ang mga paksa ng diyalogo.
Dagdag niya, umaasa ang Tsina na magkakaroon ang dalawang panig ng matapat na pag-uusap tungkol sa mga isyu na kapwa nila pinahahalagahan.
Sinabi rin ni Zhao, na dapat tumpak na alamin ng dalawang panig ang mga intensyon sa patakaran ng isa't isa, dagdagan ang pag-uunawaan, at kontrulin ang mga pagkakaiba, para ibalik ang relasyong Sino-Amerikano sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos