Ipinahayag kahapon, Linggo, ika-14 ng Marso 2021, ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, ang matinding pagtutol sa pahayag ng mga bansa ng G7 tungkol sa desisyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina sa pagpapabuti ng sistemang elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Sinabi ng tagapagsalita ng naturang tanggapan, na ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat maki-alam sa mga ito ang ibang panig.
Dagdag ng tagapagsalita, ang prinsipyo ng "pamamahala ng mga makabayan sa Hong Kong" ay mahalaga para sa pagpapatupad ng Isang Bansa Dalawang Sistema.
Sinabi rin niyang, ang nabanggit na desisyon ay makakatulong sa pangmatagalang katiwasayan at katatagan ng Hong Kong, at matatag at maayos na pag-unlad ng demokrasya sa rehiyong ito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan