Sinabi ngayong araw, Biyernes, ika-12 ng Marso 2021, ni Zhang Xiaoming, Executive Deputy Director ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, na ang pagpapabuti ng sistemang elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ay mahalagang muhon para sa pagpapatupad ng prinsipyong Isang Bansa, Dalawang Sistema at Saligang Batas ng HKSAR.
Winika ito ni Zhang sa preskon ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, tungkol sa pagpapatibay ng Pambansang Kongresong Bayan, kataas-taasang lehislatura ng Tsina, ng desisyon sa pagpapabuti ng sistemang elektoral ng HKSAR sa pamamagitan ng higit na nakararaming boto ng pag-sang-ayon.
Dagdag ni Zhang, malaliman ang impluwensiya ng pagpapabuti ng sistemang elektoral ng HKSAR para sa pagsasaayos ng mga depekto sa kasalukuyang sistemang elektoral, pagpapanatili ng kaayusan at pangmatagalang kasaganaan at katatagan sa Hong Kong, at pagpapataas ng episiyensiya sa pamamahala ng pamahalaan ng HKSAR.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos