Ipinasa nitong Huwebes, Marso 11, 2021 ng punong lehislatura ng Tsina ang Desisyon hinggil sa Pagpapabuti ng Sistemang Elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Ipinakikita ng nasabing kapasiyahan ang mithiin ng mga mamamayan. Hindi lamang ito mabisa’t maayos na magpapasulong sa pagpapaunlad ng Hong Kong ng sistema ng demokrasya na angkop sa sariling aktuwal na kalagayan, kundi magbibigay rin ng malawakang garantiya sa karapatan ng mga residente ng Hong Kong sa demokrasya.
Ang nangyari sa Hong Kong kamakailan ay nagpapatunay na ang mga puwersang kontra Tsina at nanggulo sa Hong Kong, sa katwiran ng demokrasya, ay tunay na sumasabotahe sa demokrasya ng Hong Kong. Ginamit nila ang butas ng lumang sistemang elektoral ng Hong Kong, minanipula ang iba’t ibang uri ng halalan upang pumasok sa organong administratibo ng Hong Kong, pumutol sa takbo ng lupong lehislatibo ng HKSAR, humadlang sa pangangasiwa ng pamahalaan ng HKSAR alinsunod sa batas, at malubhang nakapinsala sa karapatang demokratiko ng mga taga-Hong Kong.
Ang Hong Kong ay isang lokal na rehiyong administratibo ng Tsina. Ang pagrebisa ng punong lehislatura ng bansa sa sistemang elektoral ng Hong Kong sa antas na konstitusyonal, at paggarantiya sa “pamamahala sa Hong Kong ng mga makabayan” ay mabisang pagtatanggol sa sistema ng demokrasya ng Hong Kong.
Batay sa mga nilalaman ng naturang kapasiyahan, nakikita ang determinasyon ng pamahalaang sentral ng Tsina sa pagpapasulong sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong.
Ang reporma at pagpapabuti sa sistemang elektoral ayon sa aktuwal na kalagayan ng sariling bansa at rehiyon ay unibersal na tunguhin ng pag-unlad ng demokrasya ng daigdig. Ang pagpapabuti sa sistemang elektoral ng Hong Kong, batay sa prinsipyong “pamamahala sa Hong Kong ng mga makabayan” ay kapaki-pakinabang na pagsubok ng Tsina sa pagbabago ng lokal na sistemang elektoral, sa paunang kondisyon ng pangangalaga sa soberanya at seguridad ng bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac