CMG Komentaryo: Bakit maaaring ipagpatuloy ang pagbangon ng kabuhayang Tsino?

2021-03-16 10:36:33  CMG
Share with:

Makaraang makahulagpos sa napakaraming kahirapan at matagumpay na isinakatuparan ang pagbangon noong isang taon, kung ipagpapatuloy o hindi ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayang Tsino sa kasalukuyang taon ay nakakatawag ng malaking pansin. 
 

Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko nitong Lunes, Marso 15, 2021 ng panig opisyal ng Tsina, noong unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon, tuluyang napapanumbalik ang pangangailangan sa produksyon, matatag sa kabuuan ang paghahanap-buhay at presyo ng mga paninda, sustenableng tumataas ang kasiglahan sa merkado, at napapanatili ang paglaki ng kabuhayan, nagpapatuloy ang kuwento ng pagbangon mula noong ikalawang kuwarter ng nagdaang taon. Ito ay nagpapakitang nagkakaroon pa ng bunga ang mga isinasagawang kaukulang hakbang ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
 

Bukod dito, sanhi rin ng pagbangon ng kabuhayang Tsino ang pagpapabuti ng kapaligirang panlabas nito. 
 

Kasunod ng pagbabahaginan at pagtuturok ng mga bakuna sa buong daigdig, umaahon ang industriya ng paggawa ng mga pangunahing ekonomiya, bagay na nakakapagpasigla sa paglaki ng pagluluwas ng Tsina. 
 

Halimbawa, mula noong Enero hanggang Pebrero ng taong ito, lumaki ng mahigit 40% ang halaga ng pagluluwas ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Lumaki naman ng mahigit 70% ang halaga ng pagluluwas ng Tsina sa Amerika. 
 

Bilang reaksyon, ang tuluyang pagbangon ng kabuhayang Tsino ay nagkakaloob din ng puwersa sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method