Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, nitong nagdaang 8 buwang singkad, lumaki ang halaga ng dayuhang pondo na aktuwal na pumasok sa buong Tsina o Foreign Direct Investment.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Disyembre 16, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang tuluy-tuloy na pagpasok ng mga pondong dayuhan sa Tsina ay nagpapakita ng kompiyansa ng iba’t-ibang bansa sa prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Ipinakikita rin aniya nito ang bisa at progreso ng aktibong pagtatatag ng bagong kayariang pangkaunlaran at walang humpay na pagpapalawak ng pagbubukas sa labas ng Tsina.
Samantala, ayon naman sa pinakahuling ulat ng World Economic Outlook na ipinalabas ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), sa susunod na taon, lalampas sa 1/3 ang ibibigay na contribution rate ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Hinggil dito, ipinahayag ni Wang na kasunod ng ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsina sa labas, lilikhain ng Tsina ang mas maraming pagkakataon tungo sa pagsasagawa ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng iba’t-ibang bansa.
Ito aniya ay para makapagbigay ng mas malaking ambag sa katatagan at kasaganaan ng post-pandemic world.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Paglago ng kabuhayang Tsino sa huling kuwarter ng taon, may pag-asang patuloy na bibilis
Pagbangon ng kabuhayang Tsino, makikita sa lumalaking cargo transportation index
Pagtaya sa paglaki ng kabuhayang Tsino sa 2020, itinaas ng ADB
Mga kompanyang dayuhan, may kompiyansa sa prospek ng kabuhayang Tsino—Ministring Panlabas ng Tsina
Mahigit 1/3 ng kabuuang bolyum ng kabuhayang pandaigdig sa 2021, ambag ng Tsina -pagtaya ng OECD