Op-Ed: Pagbabahaginan ng bakuna kontra sa COVID-19, salamin ng tunay na saloobin sa gitna ng krisis

2021-03-16 17:59:14  CMG
Share with:

Kaibigang tunay ang dumadamay sa panahon ng kagipitan_fororder_20210316TsinaPilipinas550

Ipinatalastas nitong Lunes, Marso 15, 2021 ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas na umabot sa 5,404 ang karagdagang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa araw na ito, sa gayo’y pumalo sa 62,893 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa bansang ito. Sa loob ng nagdaang 7 buwan, ito ang pinakamataas na karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso sa loob lang ng isang araw. Kinumpirma rin nang araw ring iyon ni Harry Roque, Tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, na siya ay kumpirmadong nakahawa ng corona virus.

 

Kaugnay nito, tinataya ng OCTA ng University of the Philippines (UP) na kung magtutuloy-tuloy ang kasalukuyang tunguhin ng pagkalat, hanggang katapusan ng kasalukuyang buwan, posibleng aabot sa 8,000 ang karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso bawat araw sa bansang ito.

 

Sa harap ng biglang lumalalang kalagayan ng pandemiya, nasasadlak ang pamahalaang Pilipino sa napakalaking kahirapan. Sa isang dako, walang duda, ang paglock-down ng apektadong lunsod ay kasalukuyang pinakadirekta at pinakamabisang paraan sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, ngunit muli nitong hihilahing pababa ang nagsisimulang bumangong kabuhayan; sa kabilang dako, kung patuloy na bubuksan ang kabuhayan, posibleng mahaharap ang pambansang sistemang pangkalusugan ng Pilipinas sa malubha at kritikal na situwasyon.

 

Sa katotohanan, may isa pang paraan kung saan maaaring totohanang tulungan ang Pilipinas upang makahulagpos sa kasalukuyang krisis — bakuna.

Op-Ed: Kaibigang tunay ang dumadamay sa panahon ng kagipitan_fororder_20210316SinoVac

“Kaibigang tunay ang dumadamay sa panahon ng kagipitan.”

 

Noong Pebrero 28, dumating sa Manila ang unang batch ng donasyon ng pamahalaang Tsino na 600 libong bakunang kontra sa COVID-19 na gawa ng Sinovac. Ito rin ang unang batch ng bakuna na tinanggap ng Pilipinas. Mismong sinalubong sa paliparan ang mga ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.

 

Sa kanyang talumpati sa paliparan, ipinaabot ni Pangulong Duterte ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa katapatan at kabutihan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino. 

Op-Ed: Pagbabahaginan ng bakuna kontra sa COVID-19, salamin ng tunay na saloobin sa gitna ng krisis_fororder_06

 

Ipinahayag ngayong araw, Marso 16 ni vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na tinatayang sa katapusan ng kasalukuyang buwan, may 1.4 milyon pang dosis na Sinovac vaccines ay ipapadala sa Pilipinas.

Op-Ed: Kaibigang tunay ang dumadamay sa panahon ng kagipitan_fororder_20210316Amba

Nauna rito, sa isang eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na sa giyera ng paghahanap ng mga kagamitang medikal sa simula ng pagsiklab ng pandemiya sa buong daigdig, pinahintulutan ng Tsina ang paglapag ng mga eroplanong militar at sibilyang Pilipino sa ilang paliparan sa katimugan ng Tsina para kargahan ng mga kinakailangang medikal na materiyal ng Pilipinas.

 

Palagiang nagsasabi ang mga Tsino ng “Honoring a promise carries the weight of Gold”o sa Filipino, “Ang pagtupad sa pangako ay singbigat ng timbang ng ginto.” Sa maraming okasyong pandaigdig, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paninindigan ng Tsina, na makaraang matagumpay na matuklasan at gamitin ng Tsina ang bakuna, gagawing pampublikong produktong pandaigdig ang mga ito.

 

Ang donasyong bakuna ng Tsina sa Pilipinas ay lubos na nagpapakita ng pagpapatupad ng pangako nito bilang matalik na kaibigan ng Pilipinas at responsableng miyembro ng komunidad ng daigdig.

 

Samantala, ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina, sa gitna ng  paghulagpos sa napakaraming kahirapan, ibinigay na ng Tsina ang mga bakuna sa mahigit 50 bansa, at iniluwas ang mga bakuna sa 27 bansa.

 

Sa mula’t mula pa’y iginigiit ni Pangulong Xi Jinping ang damdaming pandaigdig na “Worry before the people fear something will happen, and be happy after the people are happy,” o “Maunang mag-alala bago dapuan ng takot ang mga tao at maging maligaya lamang kapag ang lahat ay masaya na,” at ipinakikita niya ang responsibilidad ng Tsina sa arenang pandaigdig sa pamamagitan ng aktuwal na kilos.

 

Kung ihahambing, makikita kung ano ang ginawa ng Amerika sa kanyang mga kaalyado.

 

Ayon sa Associated Press (AP), makaraang tanggihan ang kahilingan ng mga kaalyado nitong gaya ng Mexico, Kanada, at Unyong Europeo (EU) sa pagbabahaginan ng mga bakuna, idineklara kamakailan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika na muling bibili ng 100 milyong pang doses ng Johnson & Johnson coronavirus vaccine ang Amerika para mabakunahan ang sarili nitong mamamayan.

Op-Ed: Kaibigang tunay ang dumadamay sa panahon ng kagipitan_fororder_20210316Jen550

Kaugnay nito, ipinahayag ni White House Press Secretary Jen Psaki na uunahin ng administrasyon ni Biden ang pagtuturok ng mga mamamayang Amerikano, tapos nito, ikokonsedera nito ang pagbabahagi ng mga bakuna sa iba.

 

Hindi maitatago ang naging paninindigan ng ilang politikong Amerikano na unahin ang sarili at agad na tumakas sa harap ng kapahamakan. Pinakamabuting pagpakita ito ng polisyang “American First.”

 

Ayon sa datos na isinapubliko nitong Lunes ng Ministri ng Kalusugan ng Mexico, sa ngayon, nasa ika-3 puwesto ang bansa sa dami ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig.

 

Ngunit sa kabutihang-palad ay hanggang sa ngayon, tinanggap ng Mexico ang vaccine aid mula sa Tsina, EU, India at Rusya na umabot sa 3.3 milyong doses. Kabilang dito, halos 1/3 ay donasyon ng Tsina.

Op-Ed: Kaibigang tunay ang dumadamay sa panahon ng kagipitan_fororder_20210316UN550

Ipinahayag kamakailan ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang kanyang lubos na kalungkutan sa pagkamit ng 10 high-income countries or regions sa 75% suplay ng bakuna sa buong daigdig. Partikular na ang pagbili ng Amerika ang 1/4 suplay ng COVID-19 vaccines sa buong mundo na ilang beses na kabuuang populasyon nito. Talagang trahedya matatawag ang “Portals of the rich reek of flesh and wine while frozen bodies lie by the roadside” o “ Ang pintuan ng mga mayayaman ay bumabaha ng alak at makamundong aliwan, samantalang nakahandusay sa lansangan ang malamig na mga bangkay.”

 

Bilang dalawang malaking bansa sa daigdig, kung pag-uusapan ang pandaigdigang responsibilidad, pagsasabalikat, at damdamin, malinaw na nakikita ang pagkakaiba sa dalawang ito.

Op-Ed: Kaibigang tunay ang dumadamay sa panahon ng kagipitan_fororder_20210316TsinaPilipinas2550

Sa pamamagitan ng isang maliit na bote ng bakuna, madaling matutukoy kung sino ang masasabing talagang tunay na kaibigan, at sino naman ang “nagpapanggap na kaibigan.”

 

May-akda: Lito
Pulido: Mac / Jade

Please select the login method