Statecraft, susi sa pagtatagumpay sa mga hamong kinaharap ng Tsina

2021-03-19 10:07:46  CMG
Share with:

Statecraft, susi sa pagtatagumpay sa mga hamong kinaharap ng Tsina_fororder_500-1

 

Kamakailan, laman ng balita ang matagumpay na pagwakas sa kahirapan ng Tsina.  

 

Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, ipinahayag ng China watcher na si Herman Laurel, “Malinaw na ang pangunahing (target ng) pamumuno ni Presidente Xi Jinping (ay) ang tagumpay ng kampanya laban sa kahirapan ng Tsina. Ang mabait na Presidente Xi Jinping ang imahe nito.”

 

Sa  pagsugpo naman ng  krisis ng COVID-19, pahayag ni Laurel, nakita ang katatagan ng liderato ni Xi  sa mabisang laban ng Tsina sa COVID-19.  

 

Sinabi pa ng political analyst at founder ng think tank na Philippine-BRICS Strategic Studies, “statecraft” ang angkop na paglalarawan sa lubusang matagumpay na  pamumuno ni  Xi sa lahat ng larangan.

 

Nasa sentro si Pangulong Xi Jinping ng lahat ng mga natamong tagumpay ng Tsina, lalo na sa gitna ng mga problemang dulot ng pandemiya ng COVID-19.  

 

Sa mata ng komentarista at host, ganito niya inilarawan ang lider ng Tsina: mapagkumbabang pagkatao, mapagmahal sa taongbayan at bukod-tanging husay na pagkaliderato.

 

Upang ilarawan ang pakikitungo ng Tsina sa Pilipinas, sinipi ni Laurel ang isang pahayag ni Presidente Rodrigo R. Duterte ng Pilipinas,“China has given everything and asked for nothing.”  

 

Susog ng komentarista ng radyo at TV,“Iyan din po ang tingin ko sa Tsina, tulong ng tulong sa Pilipinas at mga nakapaligid na bansa sa Tsina na walang hinihinging kapalit at natural na lang na nagkakaroon ng win-win na pakinabang ng lahat.”

 

Matatandaang sa gitna ng pandemiya ng COVID-19 hayagang nakita ng mga Pilipino ang bentahe ng magandang ugnayan sa Tsina.

 

Dumating sa bansa ang mga kinakailangang tulong gaya ng mga ventilators, ilang milyong masks, face shields at iba pang mga kagamitang medikal. Sa kasagsagan ng pandemiya, ipinadala rin ng Tsina sa Pilipinas ang isang grupong medical.  

 

Higit pa rito, ang donasyong 1 milyong dosis ng bakunang Tsino ng COVID-19 na napakahalaga sa paglaban ng Pilipinas sa di-mapuksang pandemiya. Ang unang batch na 600,000 dosis ay inihatid sa Pilipinas noong Pebrero 28, 2021, at ito rin ang unang karga ng bakuna na natanggap ng bansa. Ang pangalawang batch na donasyon ay nakatakdang dumating Marso 24, 2021, ayon sa Philippine News Agency (PNA).

 

Statecraft, susi sa pagtatagumpay sa mga hamong kinaharap ng Tsina_fororder_03

Ang unang batch ng kaloob na 600,000 dosis ng bakunang Tsino ay inihatid sa Pilipinas noong Pebrero 28, 2021, lulan ng isang eroplano ng People's Liberation Army (PLA) Air Force. 

 

Umaasa si Laurel na malalampasan ang mga balakid at patuloy na magiging maayos at lalong gaganda ang relasyon ng Pilipinas at Tsina. Hamon aniya ang paghahadlang ng mga naiiwang mga maka-Kanlurang elemento sa pulitika at sa media na patuloy na sinisiraan ang imahe ng Tsina, at sinasabotahe ang mga magagandang mga gawain at proyekto sa pagitan ng Pilipinas at Tsina .

 

Bilang pagtatapos, ibinahgi ni Laurel ang isang quote mula kay Xi,  "What drives us on our Long March of the new era is our original aspiration and mission." 

 

Ulat: Machelle Ramos

Script-edit: Jade/Mac

Web-edit: Jade 

Larawan: Herman Laurel/PCOO

 

Please select the login method