Tsina, natanggap na ang kopya ng ulat ng WHO tungkol sa paghahanap ng pinagmulan ng novel coronavirus

2021-03-20 16:22:34  CMG
Share with:

Tsina, natanggap na ang kopya ng ulat ng WHO tungkol sa paghahanap ng pinagmulan ng novel coronavirus_fororder_fc0ec154291545f2bf97cf6f31c

 

Kinumpirma kahapon, Biyernes, ika-19 ng Marso 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakuha na ng panig Tsino ang kopya ng ulat mula sa grupo ng mga eksperto ng World Health Organization (WHO) tungkol sa paghahanap ng pinagmulan ng novel coronavirus.

 

Dagdag niya, halos 300 pahina at nasa wikang Ingles ang ulat, at isinasalin na ng WHO ito sa wikang Tsino. Kung ilalabas o hindi ang ulat sa susunod na linggo, ito aniya ay depende sa pag-uusap ng mga ekspertong Tsino at dayuhan.

 

Sinabi rin ni Zhao, na isinapubliko na sa magkasanib na preskon nitong Pebrero 9 ng mga eksperto ng Tsina at WHO ang mga pangunahing konklusyon, natuklasan, at mungkahi ng kanilang pag-aaral.

 

Inulit niyang, ang paghahanap ng pinagmulan ng novel coronavirus ay suliraning pansiyensiya, na dapat maging gawain ng mga siyentista. Hindi angkop aniya ang pagbibigay niya ng komento tungkol dito, bilang tauhang di-kabilang sa larangan ng siyensiya.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method