Tsina, umaasang magiging positibo, bukas, at kooperatibo ang iba't ibang bansa sa isyu ng pagsusuri sa pinagmulan ng coronavirus

2021-02-06 12:24:38  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Pebrero 5, 2021, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asang tutularan ng iba't ibang bansa ang Tsina na maging positibo, bukas, at kooperatibo sa isyu ng pagsusuri sa pinagmulan ng coronavirus, at anyayahan ang mga eksperto ng World Health Organization (WHO) para isagawa ang pagsusuri.

 

Dagdag ni Wang, sapul nang matapos ang pagkukuwarante nitong Enero 28, bumisita na ang grupo ng mga eksperto ng WHO sa maraming lugar ng Wuhan.

 

Hinahangaan din nila ang mainam na pakikipagkooperasyon ng panig Tsino sa gawain ng pagsusuri, diin ni Wang.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method