Sinabi kahapon, Biyernes, ika-19 ng Marso 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang paggawa ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) ng pagtaya sa mabilis na paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong ito ay nagpapakita ng kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa kaunlarang pangkabuhayan ng Tsina.
Kamakalawa, inilabas ng UNCTAD ang Trade and Development Report 2020 Update.
Ayon sa ulat, ang pagbangon ng pagluluwas ng Tsina noong huling hati ng nagdaang taon ay mas maganda kaysa inaasahan. Tinaya rin nitong lalaki ng 8.1% ang kabuhayang Tsino sa taong 2021.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
IMF: Ikinalulugod ang mas malaking pagpapahalaga ng Tsina sa kalidad ng paglago ng kabuhayan
51.3, PMI sa mga sektor ng manupaktura ng Tsina ngayong Enero
Kooperasyon, mahalagang punto sa relasyong Sino-Amerikano - Tsina
Ika-129 na China Import and Export Fair, gaganapin sa Abril sa pamamagitan ng online platform