Presensya ng mga "Chinese Maritime Militia Vessels” sa paligid ng Niu’e reef, walang katotohanan – Embahadang Tsino sa Pilipinas

2021-03-22 19:52:26  CMG
Share with:

Bilang tugon sa mga pananalita at pahayag ng panig Pilipino kamakailan hinggil sa di-umano’y paglitaw ng mga Chinese Maritime Militia Vessels sa paligid ng Niu’e Reef na kilala rin bilang Whitsun Reef, ipinahayag Lunes, Marso 22, 2020 ng Tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas na walang katotohanan ang presensya ng di-umano’y “Chinese Maritime Militia Vessels” sa paligid ng Niu’e Reef.
 

Sinabi ng Tagapagsalita na ang Niu’e reef ay bahagi ng Nansha Islands ng Tsina at noon pang unang panahon, nangingisda na sa dagat na nakapaligid dito ang mga bangkang pangisda ng Tsina.
 

Sinabi niyang kamakailan ay napilitang dumaong  ang mga barkong pangisda ng Tsina sa paligid ng Niu’e Reef dulot ng masamang panahon, pero ang mga ito ay hindi Chinese Maritime Militia Vessels.
 

Bukod dito, binigyang-diin ng Tagapagsalita na walang maidudulot na positibong epekto ang anumang paghihinala, bagkus, magiging sanhi lamang ito ng di-nararapat na iritasyon.
 

Nanawagan ang Tagapagsalita sa mga may kinalamang panig na makatuwiran at obdiyektibong pakitunguhan ang isyung ito.


Ulat: Ernest
Pulido: Rhio

Please select the login method