Sa preskong idinaos kaugnay ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sa Great Hall of the People, Beijing Linggo, Marso 7, 2021, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa kasalukuyan, ang mga di-matatag na elemento at panganib sa seguridad ng South China Sea ay nagmumula, pangunahin na, sa labas ng rehiyong ito.
Sinabi ni Wang na maagang nagkasundo ang Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) tungkol sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Aniya, buong sikap din nilang isinusulong ang pagsasanggunian ng “Code of Conduct (COC) sa SCS.”
Sa kalagayang ito, sa katuwiran ng umano’y “malayang paglalayag,” madalas na pumupunta sa SCS ang ilang bansang kanluraning gaya ng Amerika upang guluhin ang kayapaan sa karagatang ito at sirain ang katatagang panrehiyon.
Diin pa niya, lubos na napatunayan ng mga ginagawang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN nitong ilang taong nakalipas, na may ganap na kompiyansa, kakayahan, at katalinuhan ang mga bansa sa rehiyong ito sa maayos na paglutas sa kanilang pagkakaiba.
Salin: Lito
Pulido: Mac