Guilin, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Nagtagpo nitong Lunes, Marso 22, 2021 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya kung saan nagkaroon sila ng estratehikong pagsasanggunian tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan at narating nila ang malawak na komong palagay.
Ipinagbigay-alam ng dalawang panig sa isa’t-isa ang tungkol sa kalagayan ng kanilang relasyon kamakailan sa Amerika.
Ipinahayag ng kapwa panig na ipinalalagay ng komunidad ng daigdid na dapat pagsisihan ng panig Amerikano ang kapinsalaan sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig na resulta ng mga ginagawa nito ilang taon na ang nakalipas. Dapat anilang itigil ng Amerika ang unilateral na hegemonyang kilos at ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng ibang bansa.
Diin nila, dapat tupdin ng iba’t-ibang bansa ang layunin at prinsipyo ng “UN Charter,” igiit ang tunay na multilateralismo, magsikap para sa pagsasademokrasya ng relasyong pandaigdig, at tanggapin at pasulungin ang mapayapang pakikipamuhayan at komong kaunlaran ng mga bansang may nagkakaibang sistemang panlipunan at landas ng pag-unlad.
Bukod dito, nagsanggunian ang kapwa panig ng kanilang posisyon sa mga isyung gaya ng reporma sa United Nations (UN), pagharap sa pagbabago ng klima, situwasyon ng Asya-Pasipiko, Syria, Sudan, at iba pa.
Salin: Lito
Pulido: Mac