Kaugnay ng umano’y sangsyon ng panig Europeo laban sa Tsina batay sa mga kasinungalingan hinggil sa Xinjiang, mabilis na ipinataw kamakailan ng panig Tsino ang ganting sangsyon, bagay na ikinapoot ng ilang pulitikong Europeo. Kinansela kamakailan ng European Parliament ang pulong ng pagsusuri sa Comprehensive Agreement on Investment (CAI) ng Tsina at Unyong Europeo (EU), at tinangka nitong ipataw ang presyur sa panig Tsino.
Hindi dapat maging kagamitan ng iilang pulitikong kanluranin ang CAI. Dapat malaman ng panig Europeo ang mga katotohanan sa sumusunod na dalawang aspekto:
Unang una, ang CAI ay angkop sa kapakanan ng kapuwa panig, at makakatulong ito sa ibayo pang pagpapalawak ng magkabilang panig ng pamilihan, at pagpapaibayo ng pamumuhunan. Ang kasunduang ito ay hinding hindi isang “regalo” ng panig Europeo sa panig Tsino.
At ika-2, kung magkakaroon ng sagabal sa CAI, ang tunay na hadlang ay mga puwersa kontra Tsina na tikis na nakakasira sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at EU.
Nagtatampok sa pagkabalanse, mataas na lebel, mutuwal na kapakinabangan at win-win results ang CAI. Ang lahat ng mga alituntunin nito ay angkop sa kapuwa panig. Makakalikha ito ng patas na kapaligiran para sa kompetisyon ng mga kompanya, at makakapaghatid ng benepisyo sa mga kompanya ng magkabilang panig, maging ng buong mundo.
Sa kasalukuyan, isinasapulitika ng ilang pulitikong Europeo ang isyu ng kabuhayan at kalakalan, para sa personal na kapakanan lamang, at inilalatag ang hadlang sa pagsulong ng CAI, bagay na tiyak na makakapinsala sa kapakanan ng mga kompanya at mamamayang Europeo.
Ayon sa impormasyon ng panig opisyal ng Tsina, sa kasalukuyan, isinasagawa ng mga departamento ng talastasan ng panig Tsino’t Europeo ang kinakailangang pagsusuring pambatas. Umaasang lilikhain ng mga personaheng may pangmalayuang pananaw ang paborableng kondisyon para sa pagsulong ng CAI at pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at EU.
Salin: Vera
Pulido: Mac