Hindi problema ang kalayaan ng paglalayag sa SCS — Tsina

2021-03-26 11:02:43  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pagpapadala o pagdeklara ng pagpapadala kamakailan ng ilang bansa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ng kanilang bapor na pandigma sa South China Sea para isagawa ang “kalayaan sa paglalayag,” ipinahayag nitong Huwebes, Marso 25, 2021 ni Tagapagsalita Ren Guoqiang ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang situwasyon sa South China Sea, at walang anumang problema sa umano’y “kalayaan sa paglalayag” sa karagatang ito.

 

Ipinaabot ni Ren ang pag-asa ng panig Tsino na huwag isagawa ng ilang kaukulang bansa ang probokatibong kilos at likhain ang kaguluhan.

 

Diin niya, lagi’t laging iginagalang ng panig Tsino ang kalayaan ng palalayag at paglipad ng iba’t-ibang bansa sa South China Sea alinsunod sa pandaigdigang batas. Ngunit, buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang anumang aksyong nakakapinsala sa soberanya at seguridad ng mga bansa sa baybaying-dagat sa katuwirang umano’y “kalayaan ng paglalayag,” aniya pa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method