Op-Ed: Anumang isyu, maaaring pag-usapan ng tunay na kaibigan

2021-03-25 19:02:31  CMG
Share with:

Op-Ed: Anumang isyu, maaaring pag-usapan ng tunay na kaibigan_fororder_20210325SCS

Kaugnay ng paglitaw kamakailan ng mga nasa 220 bapor pangisda ng Tsina sa paligid ng Niu'e Jiao sa South China Sea, muling nakita ang masamang tangka ng Amerika na guluhin ang mapayapa at matatag na situwasyong panrehiyon sa pamamagitan ng isyu sa teritoryong pandagat.

 

Magkasunod na binatikos kamakailan ng Embahadang Amerikano sa Pilipinas at tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang kilos ng mga bapor na Tsino sa South China Sea, sa pagsasabing ito ay nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.

 

Nauna rito, ipinalabas na ng Embahadang Tsino sa Pilipinas ang pahayag tungkol sa mga bapor na Tsino sa paligid ng Niu'e Jiao.

 

Anang pahayag,sa loob ng mahabang panahon, palagiang nangingisda ang mga bapor na Tsino sa paligid ng Niu'e Jiao.

 

Sanhi ng kondisyong pandagat kamakailan, napilitang dumaong ang mga barkong pangisda ng Tsina sa paligid ng Niu'e Jiao, at ang mga ito ay hindi Chinese Maritime Militia Vessel.

 

Walang maidudulot na positibong epekto ang anumang paghihinala, at umaasa ang Tsina sa makatuwiran at obdiyektibong pakikitungo ng may-kinalamang panig sa isyung ito.

 

Kasabay nito, ipinahayag sa news briefing nitong Lunes, Marso 23, 2021, ni Harry Roque, Tagapagsalita ng Pangulo ng Pilipinas, na kaugnay ng nasabing isyu, kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaibigan niyang si Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas.

 

Ayon kay Roque, nananalig si Pangulong Duterte na batay sa pagkakaibigang Pilipino-Sino, malulutas ang isyung ito: dahil sa pagitan ng magkaibigan, maaaring pag-usapan ang kahit anumang isyu.

 

Sa katotohanan, napapanatili ng Tsina at mga bansa sa paligid ng South China Sea ang mainam na relasyong pandiyalogo at pangkooperasyon.

 

Ayon sa narating na pagkakasundo ng mga lider ng Tsina at Pilipinas noong Oktubre 2016, naitatag ng dalawang bansa ang Bilateral Consultative Mechanism (BCM) sa isyu ng South China Sea.

 

Sa ngayo’y limang bilateral na pagsasanggunian na ang naidaos, kung saan lubos na natiyak ang kahalagahan ng BCM bilang plataporma ng regular na diyalogo.

 

Ipinangako ng dalawang bansa na patuloy at maayos na hahawakan ang kanilang pagkakaiba sa positibo at konstruktibong atityud.

 

Sa kabilang dako, sa katuwiran umano’y “kalayaan sa paglalayag,” puspusang ginugulo ng Amerika ang situwayson sa South China Sea.

 

Nitong ilang araw na nakalipas, sa ilalim ng pag-uudyok ng administrasyon ni Jose Biden, buong sikap na nakikipagsabwatan ang Amerika sa mga dayuhang bansa sa labas ng rehiyong ito, upang makilahok sila sa isyu ng South China Sea.

 

Bilang resulta, ipinahayag kamakailan ng mga bansang gaya ng Britanya, Pransya, at Alemanya ang intensyon na magpadala ng bapor-pandigma sa nasabing karagatan.

 

Ito ay malinaw na ideya ng “Cold War” at kilos barumbado.

 

Samantala, bilang tugon sa patuloy na humihigpit na situwasyon ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas,  ipinadala sa Manila, Marso 24, ang ikalawang pangkat ng donasyong bakuna ng Tsina na kinabibilangan ng 400,000 dosis.

 

Sa seremonya ng paglilipat, ipinaabot ng mga opisyal ng Pilipinas ang pasasalamat sa muling pagkakaloob ng tulong ng Tsina sa Pilipinas.

 

Anila, sa masusing panahon ng kakulangan ng mga bakuna sa buong daigdig at mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso sa bansa, ang muling ayuda ng panig Tsino sa panig Pilipino ay nagsisilbing ng mahalagang milestone sa pakikibaka ng Pilipinas laban sa pandemiya.

 

Bukod dito, tinatayang darating Marso 29 sa Pilipinas ang karagdagang 1 milyong dosis ng bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina, na binili ng pamahalaang Pilipino.

 

Sa kasalukuyan, ang pinakamahalagang bagay na kinakaharap ng Pilipinas ay pagkontrol sa pagkalat ng pandemiya, pangangalaga sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan, at pagpapanumbalik ng produksyon at kabuhayan.

 

Sa masusing panahong ito, bilang isang super power sa daigdig at kaalyado ng Pilipinas, bukod sa pagmamanipula at puspusang pagtatago ng mga bakunang lampas sa tunay na pangangailangan, anong suporta o tulong ang ibinibigay ng Amerika sa Pilipinas?

 

Sa halip, nais gamitin ng Amerika ang isyu ng South China Sea para sirain ang pagkakaibigang Sino-Pilipino at guluhin ang situwasyon sa rehiyong ito.

 

Pero, ang Tsina at Pilipinas ay kapuwa soberanong bansa – dalawang bansang naniniwala, na sa pamamagitan ng “pag-uusap ng tunay na magkaibigan,” makakayang maayos na malutas ang kaukulang isyu.

 

Walang kuwenta at tiyak na mabibigo ang masamang tangka ng Amerika sa isyu ng South China Sea.


May-akda: Lito
Pulido: Rhio / Jade

Please select the login method