Patuloy ang impluwensiya ng Tsina sa galaw ng iba't ibang larangan sa buong mundo: Herman Laurel

2021-03-26 11:09:07  CMG
Share with:

Patuloy ang impluwensiya ng Tsina sa galaw ng iba't ibang larangan sa buong mundo: Herman Laurel_fororder_500-3

 

Sa post pandemic era, patuloy na lalakas ang impluwensiya ng Tsina sa galaw ng mundo partikular sa ekonomiya, diplomasya at iba pang larangan.

 

Naniniwala si Herman Laurel, Founder ng Philippine-BRICS Strategic Studies think tank, na ang diplomasya ng Tsina ay nagtamo ng maraming tagumpay nitong nakaraan taong 2020 at nakamit ng Tsina ang dalawang pinaka-mahalagang tagumpay: ang pagbuo ng RCEP (Reginal Compreshensive Economic Partnership) at ang European Union-China Comprehensive Agreement on Investment (CAI) na magiging basehan ng“multi-polar world”na dalawang dekadang adbokasiya ng Tsina, makaraang matapos ang Cold War.

 

Hinggil sa ekonomiya ng buong mundo, ani Laurel, lalong patitibayin ng naturang dalawang rehiyonal na kasundauang RCEP at EU-China Investment Pact ang patuloy na tagumpay ng Belt and Road Initiative (BRI) para mag-ugnayan at magkakasamang umunlad ang iba’t ibang bansa.

 

Ang BRI, na iminungkahi ng Tsina noong 2013 ay naglalayong itatag ang network na nag-uugnay ang Asya, Europa, Aprika at iba pang lugar ng mundo sa larangan ng imprastruktura, kalakalan, kabuhayan, pinansya, pangangalaga sa ekolohiya, pagtutulungang pandagat, pagpapalitang tao sa tao,  at iba pa.

 

Sa ilalim ng BRI at Build Build Build Program ng Pilipinas, maraming proyektong pangkooperasyong Pilipino-Sino ang nailunsad.

 

Sa kasalukuyang taon, inilunsad ng Tsina ang Ika-14 na Panlimahang Taong Plano (2021-2025) para sa Kaunlarang Pangkabuhaya’t Panlipunan at Long-Range Objectives Through the Year 2035,  bilang bagong target at direksyon ng pag-unlad, kung saan isasakatuparan ang modernisasyon sa taong 2035.

 

Dagdag pa ni Laurel, dahil din sa Tsina, hindi na mapipigilan ang paglipat ng poder ng ekonomiya ng mundo sa Asya.

 

Naniniwala si Laurel na ang hangarin ng Tsina na sa taong 2035 ay madoble ang GDP at kita ng mga mamamayan nito bilang pagsasakatuparan ng modernisasyon ay  tiyak na magpapatupad dito.

 

Ang Tsina ang pinakamalaking bansa at ekonomiya sa rehiyon ng Asya. Ang Tsina rin ang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas.

 

Kaugnay nito, palagay ni  Laurel,  sa mundo kung saan umaasa sa isa’t isa ang mga bansa, hindi maiiwasang  ano man ang kalagayan sa Tsina ay siya ring magiging kalagayan ng mga kalapit na mga bansa sa Southeast Asia.

 

"Kaya kung maganda at mataas ang pangarap at mahuhusay ang mga planong modernisasyon na naisasakatuparan naman ng Tsina lagi, maganda rin iyan sa Pilipinas, " saad ni Laurel.

 

Ginamit  ni Laurel ang pagtutulungang pantelekomunikasyong Pilipino-Sino bilang halimbawa.

 

“Sa ngayon, ang telecommunication service ng Pilipinas ay mapapaganda (dahil sa) paglahok ng China Telecom sa mga proyekto rito, at ang 5G ng Huawei ay nakakatulong na sa pagsulong ng mas mahusay na Internet sa Pilipinas,”saad pa niya sa panayam ng China Media Group Filipino Service.  

 

Binigyang pansin din ng komentarista sa radyo at TV ang larangan ng seguridad at depensa ng Tsina.

 

Aniya, mahalaga ito sa usaping pangkapayapaan ng mundo.

 

Umabot sa 1.35 trillion yuan (mga 209 bilyong U.S. dollars) ang defense budget ng Tsina para sa taong 2021.  Ito ay 1/4 lamang ng sa Amerika na pumalo sa 740.5 bilyong dolyares sa 2021.

 

Hinggil dito, sinabi ni Laurel na, tama lang na nagdagdag muli ng maliit na budyet nito sa pambansang depensa upang matulungan ang Asya at ang (buong) mundo na maiwasan ang mga tensyon na dulot ng panghihimasok sa Asya ng mga makapangyarihang bansa galing Kanluran.

 

Ang dahilan dito sa palagay ni Laurel ay ang agresyon ng Estado Unidos.

 

Aniya, ang panghihimasok nito gamit ang dahilan ng "Freedom of Navigatoin" ay pang-aabuso at pagbabalik ng "gunboat diplomacy" na humahamon di lamang sa mga teritoryo ng Tsina kundi ng Pilipinas at iba pang bansang ASEAN na may mga "internal waters" na sinasadyang tawiran ng mga barkong pandigma ng Estados Unidos na walang pahintulot.

 

Lahat ng mga ito ay apektado ang katahimikan ng mundo, dagdag pa niya. 

 

Ulat: Machelle Ramos

Script-edit: Jade/Mac

Web-edit: Jade

Larawan: Herman Laurel

Please select the login method