Karagdagang 400,000 dosis na bakunang kaloob ng Tsina, dumating na ng Maynila

2021-03-24 09:11:37  CMG
Share with:

 

Karagdagang 400,000 dosis na bakunang kaloob ng Tsina, dumating na ng Maynila_fororder_163635471_1745261942339940_8900858521177397490_o

 

Dumating alas-7:21 ngayong umaga sa NAIA Terminal 2 ang karagdagang 400,000 dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na kaloob ng Tsina.  

 

Lulan ng eroplano ng Philippine Airlines (PAL), ang naturang mga bakunang gawa rin ng Sinovac Biotech ay ang pangalawang batch na donasyon ng Tsina.

 

Karagdagang 400,000 dosis na bakunang kaloob ng Tsina, dumating na ng Maynila_fororder_163563314_1745262015673266_2439507083482167540_o

 

Matatandaang inihatid sa Pilipinas noong Pebrero 28, 2021 ang unang pangkat ng bakuna ng Sinovac na kinabibilangan ng 600,000 dosis. Kinabukasan, inilunsad ng Pilipinas ang pambansang inokulasyon, na sinimulan sa Metro Manila.

 

 

Sinabulong nina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas; Francisco Duque III, Kalihim ng Kalusugan (DoH); Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng COVID-19 National Task Force (NTF); at Senador Bong Go, Tagapangulo ng Senate Committee on Health ang nasabing mga bakuna.

 

Karagdagang 400,000 dosis na bakunang kaloob ng Tsina, dumating na ng Maynila_fororder_W020210324400498129749

 

Ipinahayag ni Senador Go, na ang pagdating ng pangalawang batch ng donasyon ng Tsina ay isa pang “major milestone” para sa Pilipinas, lalo na ngayong masyadong limitado ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa daigdig.

 

Mahalaga rin aniya ito para maunang inokulasyunan ang 1.7 milyong frontliner na medikal ng Pilipinas at maisakatuparan ang target na herd immunity sa taong ito.

 

Pagkatapos ng pagbabakuna sa mga frontliner na medikal, ang mga susunod na priyoridad na grupo ay ang matatanda at taong may comorbidities, dagdag pa ni Go.

 

Ipinahayag naman ni Embahador Huang, ang kagalakan dahil mahigit 200,000 Pilipino ang matuturukan ng bagong dating na bakuna ng Sinovac.

 

Umaasa aniya ang Tsina na mapabibilis ng pangalawang batch ng donasyon ang pambansang pagbabakuna ng Pilipinas para malampasan ng bansa ang salot at mapanumbalik ang kabuhayan sa lalong madaling panahon.

 

Diin din ni Huang, bilang matalik na magkapitbansa at magkapartner, muling pinatutunayan ng pagdadamayan ng Tsina’t Pilipinas sa gitna ng COVID-19 ang mas malalim na pagkakaibigan at matatag na ugnayang Sino-Pilipino.

 

Bago kunin ng PAL mula sa Tsina, ininspeksyon ng mga opisyal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina sa pangunguna ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana ang pagkakarga ng naturang Sinovac vaccines nitong Lunes, Marso 22, 2021 sa storage facility sa Daxing, Beijing.

 

Sa panayam ng China Media Group-Filipino Service, kinumpirma ni Embahador Sta. Romana ang bisa at kaligtasan ng CoronaVac, brand name ng Sinovac vaccine.

 

400,000 dosis ng Sinovac handa nang ipadala sa Pilipinas; mga datos pinatutunayan ng kaligtasan ng bakuna

 

Samantala, sa hiwalay na panayam sa araw ring iyon, tiniyak din ni Helen Yang, General Manager ng Sinovac Biotech (Hong Kong) ang kaligtasan ng bakuna.

 

400,000 dosis ng Sinovac handa nang ipadala sa Pilipinas; mga datos pinatutunayan ng kaligtasan ng bakuna

 

Ani Yang, 70 milyong dosis na ng Sinovac ang ginamit sa buong mundo at ayon sa mga nakolektang datos, walang ipinakitang adverse side effect ang mga ito.

 

Dagdag niya, sa kabila ng mahigpit na global demand, pinipilit ng Sinovac na tugunan ang pangangailangan ng Pilipinas para hindi maantala ang vaccine rollout ng bansa.

 

Sa Marso 29, darating sa Pilipinas ang karagdagang 1 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac na binili ng pamahalaang Pilipino, at ito ay nakatakdang salubungin mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. 

 

Ulat: Jade

Pulido: Rhio

Photo credit: Radyo Pilipinas 

Espesyal na pasasalamat kina Machelle Ramos at Frank Liu Kai

Please select the login method