Resulta ng clinical trials ng recombinant protein vaccine ng Tsina kontra COVID-19, inilabas sa magasing “The Lancet”

2021-03-30 16:11:31  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan sa magasing “The Lancet” ang resulta ng Phase I at Phase II clinical trials ng recombinant protein vaccine ng Tsina kontra COVID-19.

Resulta ng clinical trials ng recombinant protein vaccine ng Tsina kontra COVID-19, inilabas sa magasing “The Lancet”_fororder_20210330Lancet1

Ang nasabing bakuna ay magkasanib na idinebelop ng Institute of Microbiology ng Chinese Academy of Sciences at Anhui Zhifei Longcom Biopharmaceutical Co., Ltd, at inaprobahan ng bansa para sa pangkagipitang paggamit.

Resulta ng clinical trials ng recombinant protein vaccine ng Tsina kontra COVID-19, inilabas sa magasing “The Lancet”_fororder_20210330Lancet2

Isinalaysay ni Dai Lianpan, Mananaliksik ng Institute of Microbiology ng Chinese Academy of Sciences, na 950 malulusog na reciepients na nasa edad na 18 hanggang 59 na taong gulang ang kasali sa dalawang yugto ng clinical trials ng nasabing bakuna sa loob ng bansa. Ipinakikita ng resulta ng clinical trials na may mainam na kaligtasan at episyensiya ang bakunang ito.
 

Sa kasalukuyan, sumusulong ang Phase III clinical trials ng nasabing bakuna sa mga bansang gaya ng Uzbekistan, Indonesia, Pakistan at Ecuador.
 

Noong Marso 1, inaprobahan na ng Uzbekistan ang pagrehistro at paggamit ng bakunang ito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method