Tsina, determinado at may kompiyansang pangangalagaan ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong

2021-03-31 10:13:23  CMG
Share with:

Ipininid nitong Martes ng umaga, Marso 30, 2021 ang Ika-27 Pulong ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina kung saan pinagtibay ang bagong rebisadong Annex I at Annex II ng Saligang Batas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) tungkol sa sistemang elektoral nito.

 

Kaugnay nito, tinukoy nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Hong Kong ay espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina, at ang suliranin ng Hong Kong ay ganap na suliraning panloob ng Tsina.

 

Ani Hua, may determinasyon at kompiyansa ang pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa soberanya, seguridad, kapakanang pangkaunlaran, at kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.

 

Hinding hindi magtatagumpay ang anumang tangkang panghihimasok sa suliranin ng Hong Kong at pagpataw ang presyur laban sa Tsina, diin pa ni Hua.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method