Ipinatalastas sa Beijing nitong Martes, Marso 30, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, dadalaw sa Tsina ang mga Ministro ng Ugnayang Panlabas ng 4 na bansang Timogsilangang Asyano na kinabibilangan nina Teodoro Locsin ng Pilipinas, Vivian Balakrishnan ng Singapore, Hishammuddin ng Malaysia, at Retno Lestari Priansari Marsudi ng Indonesia.
Tinukoy ni Hua na ang kasalukuyang taon ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ani Hua, umaasa ang panig Tsino na sa pamamagitan ng nasabing biyahe, mapapalakas ang pakikipagsanggunian sa mga bansang ASEAN tungkol sa kasalukuyang situwasyong panrehiyon at pandaigdig, ibayo pang mapapalakas ang kanilang estratehikong pagtitiwalaan, ibayo pang mapapalalim ang kooperasyon sa pakikibaka laban sa pandemya, de-kalidad na magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road” para mapasulong pa ang relasyong Sino-ASEAN sa isang bagong antas at mas mabuting mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kaunlarang panrehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Mac
CMG Komentaryo: Masiglang kooperasyong Sino-ASEAN, malakas na tugon sa panunulsol na panlabas
Tsina at ASEAN, patuloy na susuportahan ang multilateralismo at malayang kalakalan
Paghahanap ng kapayapaan, kaunlaran, at kooperasyon, komong mithiin ng Tsina at mga bansang ASEAN
Ika-14 na China-ASEAN Telecommunications & IT Ministers Meeting, ginanap sa Vientiane
Tunguhin ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, bumubuti — Huang Xilian