Bilang tugon sa di-normal na pag-alis ng Tsina ng mamamahayag ng British Broadcasting Corporation (BBC) na si John Sudworth, inihayag nitong Huwebes, Abril 1, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang buong tatag na pagtutol ng panig Tsino sa pekeng pagbabalita at pamamahagi ng maling impormasyon, sa ngalan ng umano’y “kalayaan ng pamamahayag,” upang batikusin at dungisan ang Tsina.
Saad ni Hua, nitong nakalipas na ilang taon, niluto ng BBC ang maraming immoral na pekeng balita at impormasyon sa mga isyung may kinalaman sa Tsina, lalong lalo na, mga isyung may kinalaman sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at Xinjiang, bagay na nagbunga ng malubhang negatibong epekto sa pambansang imahe ng Tsina.
Aniya, ang Tsina ay tunay na biktima ng mga pekeng balita ng BBC na may kinalaman sa Tsina.
Dagdag ni Hua, kung titigil sa paglikha si John Sudworth ng mga kasinungalingan at pekeng balita, magiging mas obdyektibo, tunay at maliwanag ang pang-unawa sa Tsina ng mga tagalabas.
Salin: Vera
Pulido: Mac